IDINEPLOY ang karagdagan pang anim na light rail vehicles (LRVs) sa Metro Rail Transit-3 matapos makumpleto ang general overhaul ng mga ito.
Ang anim na LRV ay karagdagan sa unang tatlong overhauled LRVs na tumatakbo na sa mainline.
“Ang kabuuang siyam na general overhauled LRVs sa linya ay makatutulong sa pagpapataas ng kapasidad ng mga tren na magsakay ng mga pasahero,” ayon sa pahayag ng MRT-3.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga behikulo, una itong sinubukan sa isang simulation run.
Sa kabuuan ay mayroong 66 LRV, 20 CKD train sets na mula sa Czechoslovakia, isang Dalian train set mula sa China na tumatakbo sa MRT-3.
Sa kasalukuyan, 30% lamang ang maaaring passenger capacity sa MRT-3, 123 pasahero kada tren o 372 pasahero kada train set.
Isasailalim naman sa general overhaul ang 72 LRVs bilang bahagi ng maintenance works na ibinigay ng maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.