MAY 20% diskwento sa pamasahe ang mga estudyanteng sasakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) alinsunod sa Student Fare Discount Law o Republic Act 11314.
Ito ang paalala ng MRT-3 ngayong muling ipatutupad ang face-to-face classes sa maraming paaralan sa Agosto 22, 2022.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kailangan lamang iprisinta ng mga estudyante ang kanilang active school ID o enrollment/registration form upang makakuha ng diskwento sa pagbili ng single journey ticket sa ticketing booth sa lahat ng istasyon ng MRT-3.
Ang diskwento ay aplikable sa buong pagkakataong enrolled ang estudyante, kasama ang weekends at holidays.