MRT-3 palalawigin ang operasyon tuwing gabi simula ngayong araw

MRT-3 palalawigin ang operasyon tuwing gabi simula ngayong araw

PALALAWIGIN na simula ngayong Lunes, Marso 24, 2025 ng isang oras ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) tuwing gabi.

Sa anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), available ang extended operating hours mula Lunes hanggang Biyernes ng bawat linggo.

Bukod rito, magdaragdag din ng mga tren tuwing rush hour upang mapabilis at mapaganda ang biyahe ng mga pasahero.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, layunin ng hakbang na ito na mapabuti ang karanasan ng mga commuter sa pampublikong transportasyon.

Mula sa normal na huling biyahe na 9:30 P.M. sa North Avenue ay magiging 10:30 P.M. na ito.

Ang huling biyahe naman na 10:00 P.M. sa Taft ay magiging 11:00 P.M.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble