MRT-3 pansamantalang magpatutupad ng shutdown ng operasyon

MRT-3 pansamantalang magpatutupad ng shutdown ng operasyon

KASUNOD ng dumaraming bilang ng mga personnel na nagpositibo sa COVID-19, pansamantalang sususpendihin ang operasyon ng MRT-3 simula bukas, Martes, ika-7 ng Hulyo 2020.

 

Ang temporary shutdown ng operasyon ay ipatutupad upang magbigay-daan sa RT-PCR (swab) testing ng lahat ng empleyado ng MRT-3.

 

Kabilang na rito ang mga empleyado ng maintenance provider at subcontractors nito, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, at mas  mahalaga, upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga personnel at commuter.

 

Upang tulungang maihatid ang mga commuter, magpapatuloy ang MRT-3 bus augmentation program na may 90 na bus at may fixed dispatching interval na kada 3 minuto.

 

Dagdag dito, 150 na bus ang ide-deploy para sa EDSA bus way service na magsisilbi sa mga pasahero mula Monumento hanggang  Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

Isang mini-loop naman ang magsisilbi sa mga pasahero mula Timog Avenue hanggang Ortigas, kung saan pinayagan ang shuttle/mini bus service na mag-pickup at mag-drop off ng pasahero sa curbside.

 

Mga empleyado ng MRT-3, dapat isailalim muna sa rapid test — Palasyo

 

Kailangang magpatupad ng polisiya ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) na idaan muna sa COVID-19  testing ang kanilang mga empleyado partikular ang mga driver at ticket vendors bago isalang ang mga ito sa trabaho .

 

Ito ang ipinarating ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa pamunuan ng MRT kung saan magagawa naman aniya ito sa rapid testing.

 

Sinabi pa ni Roque na kung may pangangailangan  na i-shutdown ang MRT ay gagawin ito pero sa gitna nga ng libu-libong mga pasahero ang gumagamit nito , mas maiging isailalim muna sa COVID testing ang mga empleyado nito.

 

“Kung may pangangailanang i-shutdown, gagawin yan pero dinig ko 63K ang gumagamit niyan under GCQ sa MM…ang driver naman ay limitado ang contact sa mga pasahero at ang nagbebenta ng tickets ay nag-obserba ng less contact with passenger…sa tingin ko,” ayon kay Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na naintindihan nito ang nagkasakit sa depot, gayunman, hindi naman aniya sila nakikihalubilo sa pasahero, kaya pupuwede bumalik ang operasyon ng mrt sa 50% capacity.

 

Una rito, inihayag ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3 na umabot na sa 172 empleyado ng Mrt-3 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 base sa isinagawang RT-PCR test ng MRT-3 sa kanilang mga empleyado.

 

Nasa 166 sa mga nabanggit na empleyado ay nakatalaga sa depot habang 6 naman ang station personnels na binubuo ng 4 na ticket sellers, isang nurse, at isang train driver.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.