WALANG aasahang taas-pasahe ngayong taon ayon sa management ng MRT-3.
Walang anumang petisyon hinggil dito anila sa ngayon ngunit sakaling magkaroon ng fare adjustment ay sa 2026 pa ito mangyayari.
Hindi rin naman ayon sa management kinakailangang magtaas ito ng pamasahe dahil hindi pribadong sektor ang operator ng MRT-3 gaya ng LRT-1 at LRT-2.
Sa pagkakaroon ng fare hike sa MRT-3, sinabi ng pamunuan na titiyakin nilang idadaan ito sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation.
Sa kabilang banda, 2023 nang huling magkaroon ng fare adjustment sa LRT-1 at LRT-2.
Follow SMNI News on Rumble