PINALAWIG na ang operating hours ng MRT at LRT para ma-accommodate ang mataas na bilang ng mga pasahero ngayong holiday rush.
Para sa MRT-3, ang adjustment ay magsisimula sa pagitan ng December 16 at 24 at sa December 31.
Ang first trip mula North Avenue Station ay 4:30am habang 5:05am sa Taft Avenue Station.
Ang last trip naman ng MRT-3 mula December 16 hanggang 23 ay aalis 10:34pm sa North Avenue habang 11:08pm sa Taft Avenue.
Sa LRT-1, December 20, 23, 26 at 27, ang first trip mula Dr. A. Santos at Fernando Poe Jr. Stations ay aalis ng 4:30am.
Habang sa December 20 at 23, ang last trip mula Dr. A. Santos ay 10:30pm habang 10:45pm mula sa Fernando Poe Jr. Station.
Samantala, sa LRT-2, mula December 17 hanggang December 23, ang last trip sa Antipolo Station ay 9:30pm at 10pm sa Recto.