MRT, LRT at PNR balik-operasyon na ngayong araw

MRT, LRT at PNR balik-operasyon na ngayong araw

BALIK-biyahe na ngayong araw ang Metro Manila Transit -Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit-Line 1 at Line 2 (LRT 1 at 2); at ang Philippine National Railways (PNR).

Ito ay matapos ang 4 na araw na suspensiyon bilang pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagsagawa ng taunang maintenance works sa mga pasilidad, riles at sa mga istasyon ng mga tren sa mga panahon ng tigil ang operasyon.

Samantala, nakiisa naman sa ginawang pagsasaayos si Assistant Secretary for Railways and MRT-3 Officer-In-Charge Jorjette B. aquino.

Pinuri din nito ang dedikasyon ng mga railway personnel na nagsagawa ng maintenance activities at system upgrades upang matiyak ang seguridad ng mga mananakay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter