MRT, magbabawas ng tren matapos nagpositibo sa COVID-19 ang 127 personnels

MRT, magbabawas ng tren matapos nagpositibo sa COVID-19 ang 127 personnels

NGAYONG darating na Lunes posibleng mabawasan mula apat hanggang limang tren ang MRT hanggang sa muling mag-abiso ang pamunuan nito para sa kinakailangang dagdagan ang tren.

 

Ang nasabing aksyon ay bilang pag-iingat sa hawaan ng sakit at inatasan na rin ng MRT-3 management ang lahat ng personnel nito sa pagsusuot ng personal protective gear o PPE mula sa mga guard, at personnel sa loob ng ticketing booth at maging sa janitorial service.

 

Nagsagawa na rin ng strict sectional physical segregation ang kanilang depot kungsaan ay lilimitahan na ang paglabas at pagpasok ng sinuman na walang kinalaman sa alinmang seksiyon sa kanilang trabaho.

 

Matatandaan na umakyat na sa 127 personnel na mula sa maintenance provider ng MRT- 3 na Sumitomo Mitsubishi Heavy Industries -TES Philippine ang tinamaan ng coronavirus disease 2019.

 

Ayon Kay MRT-3 Director Michael Capati, 43, sa mga apektadong manggagawa ay naka-home quarantine habang ang iba ay nasa government owned facility at ang iba naman ay nasa mga quarantine facility.

 

Nilinaw din ng MRT-3 management na walang personnel na nakakasalamuha ng mga regular na pasahero ang tinamaan ng nasabing sakit na COVID-19.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.