HINIHIKAYAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat na micro, small at medium enterprises (MSMEs) na mag-avail sa financial assistance na kanilang inaalok.
Batay sa pahayag ng DOLE, nasa P500-K hanggang P1.5-M ang maaaring i-avail ng MSMEs sa pamamagitan ng Adjustment Measures Program (AMP).
Ang financial assistance ay nakadisenyo naman para suportahan ang iba’t ibang proyekto gaya ng capacity-building, business development, product innovation, productivity enhancement at compliance sa labor standards.
Tinatayang nasa 1,105,143 ang MSMEs sa buong bansa.