MTRCB, nais palawakin ang hurisdiksyon nito sa Netflix, Amazon

MTRCB, nais palawakin ang hurisdiksyon nito sa Netflix, Amazon

SINABI ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kailangan na nilang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa international video streaming services.

Ayon kay MTRCB chairperson Diorella Maria Sotto-Antonio sa deliberasyon ng pondo ng ahensya para sa 2023 budget, kailangang amyendahan ang Presidential Decree No. 1986 para maging saklaw ng kanilang kapangyarihan ang online streamers.

Halimbawa ng international video streaming services na posibleng maging saklaw rito ang Netflix at Amazon.

Sakali namang maamyendahan ito, posibleng magbabayad na ang mga Pilipino ng mas mataas na subscription fees.

Ito’y dahil malaki ang posibilidad na ipapasa ng streaming services ang bayad sa subscribers.

 

Follow SMNI News on Twitter