BUBUKSAN mamayang alas diyes ng umaga sa Senado ang 3rd Regular Session para sa 18th Congress.
Magsisismula ito sa roll call ng mga senador at susundan ng speech ni Senate President Tito Sotto III.
Ayon kay Sotto ang 10 panukalang batas na sisikaping maipasa ng senado ay ang panukalang amendments para sa Foreign Investment Acts (FIA), Amendments sa Public Service Act (PSA), Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE).
Ito ang mga panukalang batas na sinertipikahang urgent ni Pang. Rodrigo Duterte na makakatulong para sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng pandemya.
Susubukan din ng Senado na maipasa na ang panukalang pagtatayo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Package 4 ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) or the Passive Income Tax and Financial Intermediary Tax Act (PIFITA), Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP), Rural Agricultural and Fisheries Development Financing System Act (Agri-Agra) at ang Package 3 ng CTRP or the Valuation Reform Bill.
Una namang sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na tratrabahuhin ng senado ang pagpasa para sa panukalang Modernisasyon sa Bureau of Fire Protection, Increasing the Statutory Rape Age Act, Military and Uniformed Personnel Insurance Fund Act, Philippine Center for Disease Control and Prevention Act, the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Extension Law at maging ang Bayanihan 3.
Sa session mamaya ay 14 na mga senador ang inaasahang physically present.
Ito ay sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Ralph Recto, Senator Juan Miguel Zubiri, Senator Franklin Drilon, Senator Sherwin “Win” Gatchalian, Senator Joel Villanueva, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Senator Francis Tolentino, Senator Christopher “Bong” Go, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Senator Allan Peter Cayetano, Senator Nancy Binay, Senator Imee Marcos at Senator Risa Hontiveros.
Katulad naman noong nakaraang taon, ang mga bisita o ang mga family members ng mga senador, former senators, government officials at ang mga media personalities ay hindi papayagan na makapasok sa Gallery Hall.
Pagkatapos ng speech ni Sotto ay agad itong susundan ng photo shoot ng mga senador na present physically sa session bilang bahagi ng tradisyon sa Senado.
Ito ay susundan naman ng virtual press conference with the Senate President kasama ang ilang mga senador.
Pagkatapos nito ay didiretso na ang mga senador sa Batasang Pambansa para daluhan ang Huling Sona ng Pangulo.