PATULOY na humihina at sumisikip ang mundo ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.
Ito ang tahasang sinabi ni Police Region 3 Director Police Brigadier General Valeriano de Leon sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani De Leon, noong nakaraang buwan lamang ay mahigit tatlong daan na ang kabuuang bilang ng nag-surrender na miyembro ng rebeldeng grupo sa San Jose del Monte, Bulacan kaya unti unti ng humihina ang mundo ng CPP-NPA-NDF.
Samantala, ibinahagi na rin ng heneral na ang crime rate ng Region 03 ay ‘manageable level’ na o napapamahalaan na ito.
Aniya, tinututukan ngayon ng PNP Region 3 ang crime prevention at crime solution kung kaya’t bumababa ang crime rate sa rehiyon.
At dahil dito, naitanghal na rin bilang Best Police Regional Office ang P-R-O Region 3 matapos ang tatlong dekada.
Ang Region 03 ay binubuo ng mga probinsya tulad ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.