Mungkahi ng isang aktibista na gawing Education secretary si Walden Bello, sinopla ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Mungkahi ng isang aktibista na gawing Education secretary si Walden Bello, sinopla ni Pastor Apollo C. Quiboloy

KINUWESTIYON ni Pastor Apollo C. Quiboloy  ang sinabi ni dating Bayan Muna Representative na si Teddy Casiño sa kaniyang Tweet kamakailan.

Ayon kay Casiño, mas mabuti pa raw kung si Bello ang magiging kalihim ng Department of Education (DepEd).

Pagtataka ng butihing Pastor kung bakit pa inihambing si Bello kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

“Biro mo, ihahambing mo ‘yan sa ating DepEd Secretary na si Vice President Inday Sara sa katalinuhan at sa kagandahan, tapos itapat mo ‘yung… tingnan mo, kaganda-ganda ng ating vice president, matalino, at saka straight ang utak, at saka makapamayanan. Mahal na mahal ang ating bansang Pilipinas,” pahayag ni Pastor Apollo.

Pagbibigay-diin ni Pastor Apollo na hindi katanggap-tanggap kung si Bello ang magiging DepEd Secretary.

“’Yan ang magiging DepEd Secretary natin? Naku! Kahit sa isip hindi mo maisip eh. Pero naisip ng mga komunista noh? Naisip ng mga komunista, wala na silang ibang maisip pa eh. Pero sa isip mo lang, hindi mo maisip na ’yan ang magiging DepEd Secretary. Sa isip lang, hindi mo maisip. Hindi mo matanggap. Kaya, pinipilit nila ang sarili nila, hindi sila katanggap-tanggap, namimilit,” ayon pa ni Pastor Apollo.

Payo ni Pastor Apollo kay Casiño na kung pumili man ito ng papalit kay Vice President Duterte ay dapat mas maganda pa ito kaysa sa Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa ng butihing Pastor na kawawa si Casiño at ang mga kasamahan nito dahil sa pinipilit nila ang kanilang sarili sa taumbayan.

“ Pero isang matandang hukluban, na walang good manners and right conduct ang ilalagay mo riyan, pagkatapos subersibo ang utak, member ng CPP-NPA, ang laki ng paningin niyo sa sarili talaga ninyo. Kawawa naman kayo. Naawa ako sa mga pag-iisip ninyo. Gagawin mong DepEd Secretary ‘yun?” ayon sa butihing Pastor.

 

Follow SMNI News on Twitter