MAGSASARA na ang facility ng Pepsi-Cola Products Philippines Inc. sa Muntinlupa City ngayong taon.
Sa anunsiyo ng kompanya, ililipat na ang plant operation ng Muntinlupa sa ibang lokasyon.
Ipinaliwanag ng Pepsi na napagdesisyunan nilang pag-isahin na lang ang ilang operasyon ng kompanya para mas mapaunlad pa ang kanilang ‘efficiency’ kung kaya’t isasara na lang ang Muntinlupa facility.
Ang apektadong mga manggagawa ay makatatanggap ng suporta at resources para sa transition.