MAGIGING patas sa lahat ng partido ang Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform Bill.
Ito’y kasunod ng pulong nina Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. at House Speaker Martin Romualdez para talakayin ang mga prayoridad na programa ng pulisya.
Ayon kay Acorda, hindi lamang ang mahigit 200,000 tauhan ng PNP ang maaapektuhan ng panukala, kundi maging ang mga nagretiro na sa serbisyo.
Kasabay nito, ikinatuwa ng PNP chief ang pahayag ni Romualdez na maghahanap sila ng “win-win” solution sa usapin ng MUP pension.
Tiniyak din aniya ni Romualdez na susuportahan nito ang pondo ng PNP sa susunod na taon.