Murang gamot, ipinangako ni Pangulong Marcos

Murang gamot, ipinangako ni Pangulong Marcos

INILATAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga hakbang para maibsan ang financial burden ng mga Pilipino sa pagbili ng mga medisina.

Nakipagdiyalogo si Pangulong Marcos sa local and foreign pharmaceutical companies para maisakatuparan ang pagbibigay ng mura at abot-kayang gamot.

Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 25, sinabi ni Marcos na hinikayat nito ang pharmaceutical companies na maglabas ng mga suplay sa mga merkado para maging abot-kaya ng ordinaryong mamamayan ang presyo ng mga medisina.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) aniya ang makikipag-usap sa mga interesadong manufacturer ng generic drugs na papasok sa bansa.

Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa Philippine Competition Commission na magkaroon ng ‘equality’ at alisin ang kartel na umiiral sa ilang pharmaceutical companies.

Samantala, bukod sa murang gamot, prayoridad din ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng mga ospital sa iba’t ibang parte ng bansa at health centers sa mga malalayong rural areas.

Nais mailapit ng Chief Executive ang healthcare system sa taumbayan nang hindi na kailangang pumunta ang mga ito sa sentro ng kanilang bayan, lalawigan at rehiyon.

Kaya sabi ni PBBM, maglalagay ang pamahalaan ng mga clinic at rural health unit na pupuntahan ng mga doktor, nurse, midwife, at med tech isang beses sa isang linggo.

Sa pamamagitan nito, magiging mas madali sa may karamdaman na magpagamot nang hindi na  magbyahe ang mga ito nang napakalayo.

 

Follow SMNI News on Twitter