Murang gulay, ibebenta sa compound ng Dept. Of Agri NCR sa gitna ng COVID-19 outbreak

IPINAG-utos na ni Agriculture Sec. William Dar sa mga pinuno ng Department of Agriculture (DA) National Capital Region na maglagay sa kanilang compound ng “Kadiwa ni Ani at Kita” stalls.

Sa mga Kadiwa stalls na ito maaring makabili ng mas murang mga agri products o mga gulay ang publiko sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Tinitiyak naman ni Dar na mahigpit nilang ipatutupad ang quarantine guidelines at physical distancing.

“We want to provide the public as many options possible to access affordable and nutritious food. The DA offices shall be ready to accommodate buyers but they should, of course, follow the quarantine guidelines and physical distancing procedures,” pahayag ni Dar.

Secretary Dar has been continuously urging LGUs to engage in the Kadiwa services to help ensure food supply in…

Posted by Department of Agriculture – Philippines on Monday, 23 March 2020

Ang Kadiwa o “Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita”, ay isang marketing strategy ng DA na nagkokonekta sa mga food producers sa mga mamimili dahilan upang mas mura ang bilihin dito.

Patuloy namang hinihimok ng kalihim ang mga LGUs na makiisa sa naturang programa para makahanap din ng alternatibong bilihan ang kanilang mga consitituents at matiyak ang kasapatan ng suplay ng pagkain.

“This only proves our farmers’ commitment in ensuring that there will be stable, affordable and nutritious food supply for the people in this time of crisis.”

Ayon naman kay DA-Agribusiness Assistant Secretary Kristine Evangelista, prayoridad nila ngayon ang Kadiwa stores sa Metro Manila at iba pang mga malalaking siyudad.

“We are finalizing the details of our arrangement with LGUs in NCR, especially those with earlier commitments such as Quezon City, Pasig, Manila, Pasay, and Taguig,” saad pa ni Asec. Evangelista.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.