Muslim separatist rebel at Thai Government, nagkaroon ng peace dialogue

Muslim separatist rebel at Thai Government, nagkaroon ng peace dialogue

NITONG Miyerkules, nagsagawa ng dalawang araw na pag-uusap ang gobyerno ng Thailand at ang Muslim separatist rebel na Barisan Revolusi Nasional sa Kuala Lumpur Malaysia.

Ayon kay Malaysian Facilitator na si Zulkifli Zainal Abidin, malaking tagumpay ang naging diyalogo sa pagitan ng dalawang panig at handa ang dalawang partido na lumagda sa anumang kasunduan sa pagbuo ng peace plan para wakasan na ang dekadang muslim insurgency sa timog ng bansa.

Sinabi ni Anas Abdulrahman, pinuno ng Barisan Revolusi Nasional- ang pinakamalaki sa mga rebeldeng grupo sa timog ng Thailand.

Malaki ang pag-asa niya para sa isang pangmatagalang solusyon sa ilalim ng pamumuno ng bagong Thai Prime Minister na si Srettha Thavisin.

Matatandaang itinalaga ng gobyerno ng Thailand noong nakaraang taon si Chatchai Bangchuad, ang unang sibilyan na namuno sa mga pag-uusap.

Sinabi ni Chatchai na ang anumang paglagda sa peace plan ay magdedepende pa rin sa resulta ng mga teknikal na talakayan sa pagitan ng dalawang panig.

Ang Malaysia ang nagho-host at nag-facilitate ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga separatist group at ng gobyerno ng Thailand mula pa noong 2013.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble