MUTUAL respect ang panawagan ni House Minority Leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang napipintong imbestigasyon ng Senado sa pagpabakuna ng hindi rehistradong bakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Una nang nagpahayag si Pangulong Duterte kaugnay sa naturang usapin.
“I would like to call on Congress, hindi naman ako nakikiusap, do not tinker with the PSG. I’m telling you as President it is a matter of self-preservation. Do not force my hand to meddle into this affair because maybe I am not so keen about allowing Durante and the rest of PSG to testify. Ginawa ito nila, as I understand, para sa kapakanan ng buhay nila,” naging pahayag ni Duterte.
Kung padadaluhin man raw ang mga taga PSG sa imbestigasyon ay hindi ito papayagan ng Pangulo.
Pero hiling ni Paduano na sana ay kilalanin ng pangulo ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng gobyerno.
“It’s just a matter of due recognition and mutual respect between and among the three branches of government for our brand of democracy to work,” ayon pa kay Paduano.
Tingin naman ni Paduano na si Senator Franklin Drilon ang dahilan kung bakit nagalit ang pangulo sa gagawing imbestigasyon.
Ani Paduano, si Drilon ang nagsusulong na paharapin sa imbestigasyon si PSG Commander Colonel Jesus Durante III para magpaliwanag.
“I think the President went on a rampage because of Sen. Frank Drilon’s statement that the PSG commander must be required to be present in the Senate Committee of the whole to explain the vaccines administered to PSG members,” ani Paduano.
Subalit para kay Paduano, walang dapat ipag-alala ang Pangulo dahil maayos naman ang takbo ng legislative inquiry sa Kongreso.
“There is no need to pre-emptively issue a threat as the rules on legislative inquiry are well settled,” aniya pa.
Sa ngayon ay wala pa ang mga usap-usapan sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu sa PSG.
Sesentro naman ang imbestigasyon ng Senado sa roadmap ng COVID-19 vaccine na may P72.5 Billion na pondo pati na yung pagpapabakuna ng PSG.