MWSS, pinatawan ng multa ang Maynilad dahil sa service interruptions

MWSS, pinatawan ng multa ang Maynilad dahil sa service interruptions

PINATAWAN ng multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad.

Kasunod ito ng “prolonged” o sobrang tagal at paulit-ulit na service interruptions simula Mayo hanggang Hulyo sa katimugang bahagi ng West Concession Area.

Nagkakahalaga ng P9-M ang hinihinging penalty ng MWSS.

Babayaran ng Maynilad ang penalty sa pamamagitan ng bill rebates o refund sa mga apektadong kustomer simula Nobyembre.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter