MWSS Regulatory Office, inaprubahan ang panibagong taas-singil sa tubig

MWSS Regulatory Office, inaprubahan ang panibagong taas-singil sa tubig

INAPRUBAHAN na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ang panibagong taas-singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water para sa kanilang mga customer.
Aabot sa P24.68 per cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water sa mga residential customer na kumukonsumo ng 10 cubic meters.
Habang P20.08 naman per cubic meter ang taas-singil sa tubig ng Maynilad sa mga residential customer na kumukonsumo rin ng 10 cubic meters.
Epektibo ang naturang taas-singil sa tubig sa nalalapit na Bagong Taon, Enero 1, 2025.