Myanmar fighter jet, nakitang lumilipad sa Thai airspace

Myanmar fighter jet, nakitang lumilipad sa Thai airspace

NAKITANG lumilipad sa airspace ng Thailand ang isang Myanmar fighter jet kahapon ng umaga na nagdulot ng panic sa mga lokal na residente.

Dahil sa pangyayari, sinuspinde rin ng dalawang lokal na paaralan sa Tak ang kanilang mga klase.

Nakita ang isang air MiG-29 Myanmar force fighter jet sa lugar ng Ban Woa Lay Tai at Ban Wao Lay Nua Village.

Ito ay matapos tumindi ang labanan sa pagitan ng militar ng Myanmar at mga sundalo ng ethnic group na Akren sa Myawaddy border town na katapat naman ng Ban Wao Lay Tai village sa Phop Phra District sa Tak province ng Thailand.

Ang paglipad na ito ng fighter jet at maging malalakas na pagsabog sa Myanmar ay nagdulot ng pangamba sa dalawang border village ng Thailand.

Marami rin umanong mga residente ng Myanmar ang patuloy na lumilipat sa Thai territory sa Phop Phra district  kasunod ng tuloy-tuloy na pag-atake ng junta sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter