Na-acquit na pulis sa Jemboy Case, di basta-bastang makakabalik sa serbisyo—PNP PIO

Na-acquit na pulis sa Jemboy Case, di basta-bastang makakabalik sa serbisyo—PNP PIO

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na hindi basta-bastang makababalik sa serbisyo ang isang pulis na na-acquit sa kasong Mistaken Identity sa Navotas City kung saan nasawi rito ang binatilyong si Jemboy Baltazar.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, hindi man napatunayang nagpaputok ng baril si Police Staff Sergeant Antonio Balcita Bugayong pero sa desisyong na-dismiss ito sa serbisyo ay nagpapatunay lamang anila na may legal na basehan ang korte para ito ay papanagutin sa batas.

Bagama’t maaari pa naman anilang umapela ang kampo ni Bugayong sa korte pero hindi ito magiging madali giit pa ng PNP.

Sa kabilang banda, iginagalang din ng PNP ang planong pag-apela ng pamilya ni Jemboy sa mas mataas na hukuman para papanagutin ang iba pang pulis na sangkot sa pagkamatay ng kanilang kaanak.

Matatandaang, isang pulis lamang ang nahatulang guilty sa kasong homicide habang ang limang iba pa ay nahatulang guilty sa illegal discharge of firearms.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble