Nabuong deal sa pagitan nina Joma Sison at VP Leni, pinangangambahan

Nabuong deal sa pagitan nina Joma Sison at VP Leni, pinangangambahan

PINANGANGAMBAHAN ni Senator Panfilo Lacson ang posibilidad na mayroong namuong usapan sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at Joma Sison, ang chairman ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.

Ito ay pagkatapos ng ginawang endorsement ni Joma kay Robredo. Kahit aniya dinisclaim ito ni Joma ay malinaw aniya ang napakinggan ni Lacson sa video tape message ni Joma.

Pangamba ni Lacson na kung may nabuong deal sa pagitan ng mga ito ay mapupunta sa wala ang pinaghirapan ng pamahalaan para malabanan ang insurhensya.

Maliban sa endorsement ay lumabas na si Joma Sison ang campaign adviser ngayon ni Robredo na pareho namang dineny ng mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter