Nadedeploy na healthcare workers sa ibang bansa, hindi pa umaabot sa 7,500 deployment cap – OWWA

Nadedeploy na healthcare workers sa ibang bansa, hindi pa umaabot sa 7,500 deployment cap – OWWA

HINDI pa naaabot ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang 7,500 overseas deployment cap para sa mga healthcare workers (HCW).

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na mahigit 2,000 healthcare workers pa lamang ang naidedeploy sa ibang bansa.

Dahil dito, patuloy aniya ang isinasagawang deployment cap ng mga HCW sa abroad.

Samantala, sinabi ni Olalia na pinag-uusapan pa rin ng mga ahensya ng gobyerno ang panawagan ng private hospitals na bawasan ang 7,500 annual cap dahil hindi na sapat ang bilang ng mga nurse sa bansa.

Ayon kay Olalia, tumaas ang pangangailangan ng mga nurse sa ibang bansa at pumasok ang Pilipinas sa ilang bilateral labor agreements para matugunan ang manpower sa ibang bansa.

Dagdag pa ng POEA official, bagamat tumaas ang demand ng mga nurse ay tumaas din ang bilang ng mga available nurses sa bansa kasunod ng nagdaang licensure examinations kung saan 11,000 indibidwal ang pumasok noong 2021 at 6,000 ang pumasok nitong 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter