SUMUKO na ang nag-abroad na heneral na pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa isyu ng P6.7B na illegal drug haul noong 2022 sa Tondo, Manila.
Ang tinutukoy ay si retired Lt. Gen. Benjamin Santos na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay 4:48 ng umaga kahapon, Pebrero 11, 2025.
Nagmula pa ito sa Singapore ayon sa ulat.
Pinahintulutan lang na makapagpiyansa si Santos sa halagang P200K para sa kaniyang temporaryong kalayaan.
Sa ngayon ay pito na lang sa 29 na sangkot sa shabu drug haul ang nanatiling ‘at large’.
Matatandaang sa imbestigasyon, pinaniniwalaang nagsabwatan ang 29 pulis kaugnay sa 990 kilos na ilegal na droga o halos P7B na nasabat noong Oktubre 2022 sa Tondo.
Mistula pa anilang pineke ang naging buy bust operation maging ang pag-aresto sa kanilang kabaro na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo ng PNP-Drug Enforcement Group.
Follow SMNI News on Rumble