Nag-viral na public school teacher, walang matatanggap na penalty—VP Sara

Nag-viral na public school teacher, walang matatanggap na penalty—VP Sara

WALANG ipapataw na penalty sa public school teacher na nag-viral sa social media matapos pinagalitan ang kaniyang mga estudyante habang naka-live ito sa TikTok.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, nakita niya ang paliwanag ng guro kung kaya’t pinayuhan lang nito na itigil ang kaniyang klase tuwing magagalit.

Magpapatuloy lang din ang klase kung humupa na ang galit nito.

Binigyang-diin pa ni VP Sara, tao lang din ang mga guro na nagagalit lalo na’t marami itong mga mag-aaral na kinakausap.

Sa panig ng nag-viral na teacher, sinabi nito na hindi niya alam na naka-live siya sa TikTok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble