Naging ambag ni dating Pangulong Fidel Ramos sa Korean war, kinilala ng Defense Attaché ng South Korea

Naging ambag ni dating Pangulong Fidel Ramos sa Korean war, kinilala ng Defense Attaché ng South Korea

HINDI matatawaran ang naging kontribusyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pagtatanggol sa South Korea sa kasagsagan ng Korean War.

Ito ang iginiit ni outgoing South Korea Defense Attaché Lieutenant Colonel Bae Jung Hoon sa pagbisita kay Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Si Ramos ay miyembro ng Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) noong Korean War.

Kasabay nito, kinilala ni Faustino ang naging tungkulin ni Bae sa pagpapalawak ng defense relations ng Pilipinas at South Korea kabilang na ang matagumpay na pagbisita ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana sa South Korea noong Hunyo 2022.

Gayundin ang pagtatatag ng Joint Defense Cooperation Committee (JDCC) ng Pilipinas at South Korea noong 2020.

Inimbitahan naman ni Bae si Faustino na dumalo sa Black Eagles Airshow sa Agosto 15.

Samantala, tinanggap din ni Faustino si incoming South Korea Defense Attaché Lieutenant Colonel Kim Jai Suk at tiniyak ang suporta sa pagsisimula ng kanyang tour of duty sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter