Nagkakaisang OFWs, nagtipon sa harap ng ICC para suportahan si dating Pangulong Duterte

Nagkakaisang OFWs, nagtipon sa harap ng ICC para suportahan si dating Pangulong Duterte

NAGKAISA ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa isang mapayapang pagtitipon sa labas ng International Criminal Court (ICC) upang ipahayag ang kanilang taos-pusong suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang pamilya.

Bitbit ang bandila ng Pilipinas at dasal ng pagkakaisa, mariin nilang ipinahayag ang kanilang paninindigan: Ang dating Pangulo ay karapat-dapat igalang, hindi usigin.

Kasama sa pagtitipon si Miss Honeylet Avanceña, na buong tapang na sumuporta sa panawagan ng mga OFW para sa katotohanan at katarungan. Anila, hindi nila nakakalimutan ang mga reporma at programang pangkabuhayan para sa OFWs sa panahon ng administrasyon ni Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble