SA pulong balitaan ng Quezon City Journalists Forum, kinumpirma ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang 30 toneladang illegal posters ang kanilang nasamsam sa buong panahon ng midterm elections sa lungsod.
Ayon kay QC DPOS Chief Col. Remigio Gregorio, karamihan sa mga posters ay galing sa mga kumandidato sa pagka kongresista at mga party-list groups.
Sa kabilang banda, tiniyak ng DPOS na nasunod nila ang kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagbabaklas sa mga ilegal na posters hanggang sa pagtatapos ng halalan bilang tugon sa adhikain ng COMELEC Main Office sa pagkakaroon ng isang malinis na halalan.
Sa katunayan, walang nasayang na posters dahil agad rin itong naiturn over sa BJMP Female Dormitory para sa livelihood programs nito.