Nagugutom, mas marami na kaysa sa nagkakasakit ng COVID-19 —Palasyo

MAS marami na ang nagugutom kaysa sa nahahawaan ng coronavirus disease 2019.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang depensa kung bakit mas marami ng establisyemento ang pinayagan nang magbukas ng Inter-Agency Task Force.

“Nagkakaisa po kami na kinakailangan buksan unti-unti ang ekonomiya dahil mas marami na po ngayon ang nagugutom kaysa sa nagkakasakit o namamatay dahil sa COVID,” pahayag ni Roque.

Sa kabila nito, ani Roque, mahigpit pa ring ipatutupad ang mga minimum health standard.

Nagpapasalamat naman si Roque sa mga alkalde na sumang-ayon at naging mga katuwang ng IATF sa pagpapatupad ng new normal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.