Nai-release na national ID cards, nasa 200-K na— PSA

Nai-release na national ID cards, nasa 200-K na— PSA

NASA 200,000 national ID cards na ang ipinamahagi ng goyerno ayon sa Philippine government ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Habang ang panibagong 200,000 national ID cards cards ay handa na rin para ideliver.

Ayon kay Rosalinda Bautista, Deputy National Statistician, kabuuang 35 milyong Pilipino na ang nakakumpleto ng Step 1 ng registration process kung saan isinasagawa ito sa pamamagitan ng house-to-house collection at sa PhilSys website ng PSA.

Nasa 12 milyong Pilipino naman aniya ang nakakumpleto na ng Step 2 o ang pagkuha ng biometric information habang ang Step 3 ay ang pag-deliver sa physical ID card at unique PhilSys number (PSN) sa kanilang mga bahay.

Nagpaalala naman si Bautista sa mga nakakuha na ng kanilang national IDs na huwag i-post ang kanilang IDs sa social media.

Matatandaang, inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mas  mapapadali ng isang indibidwal na may National ID ang pagkuha ng kanyang mga benipisyo mula sa gobyerno.

SMNI NEWS