SANG-AYON ang sikat na abogadong si Atty. Larry Gadon na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bagamat aminado si Atty. Gadon na Marcos loyalist siya ay hindi siya pabor na ipangalan ito kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Aniya, hindi ito angkop dahil ito ay self-serving sa Marcos family at halatang namumulitika lamang.
Nakatitiyak din siya na hindi ito papaboran ni President Bongbong Marcos.
Para sa kanya, ibalik na lang sa Manila International Airport ang pangalan ng NAIA, ang orihinal na pangalan ng naturang paliparan.
Dagdag pa nito na taong 2017 pa siya naghain ng petisyon sa Kongreso, Office of the President at Supreme Court para sa pagpapalit ng pangalan ng naturang pandaigdigang paliparan.