NAIA naglabas ng automated parking system

NAIA naglabas ng automated parking system

AVAILABLE na nitong Marso 1, 2025, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang automated parking system.

Naglalayon itong mabawasan ang waiting time sa mga nais mag-park at pagbutihin ang daloy ng trapiko sa pangunahing paliparan ng bansa.

Sa kasalukuyan, tanging cash payments pa lang ang tinatanggap sa sistema. Gayunpaman, simula sa Marso 14, magbibigay na ito ng iba’t ibang opsyon sa pagbabayad gaya ng GCash, PayMaya, debit, at credit cards.

Sa Marso 14 rin ay inaasahang ipatutupad ang naturang parking system sa Terminal 1 at 2.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble