PANGATLO ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa top 25 na low-cost carrier airport megahubs sa buong mundo.
Pang-15 rin ang NAIA sa top 50 list ng Global Airport Megahubs batay sa 2023 Megahubs Index ng official airline guide.
Noong 2019 ay nasa ika-29 na puwesto ang Pilipinas.
Sa pahayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in-Charge Bryan Co, ikinatuwa nito ang pagtitiwala na ibinigay sa NAIA at sa katunayan ay marami na rin ang international carriers na nais makipag-operate sa paliparan.
Sa ngayon, host ang NAIA ng 40 international carriers at 58 international destinations.