NAIA Terminal 4, muling bubuksan para sa domestic flights

NAIA Terminal 4, muling bubuksan para sa domestic flights

MATAPOS ang dalawang taon ng pansamantalang isinara ang Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng COVID-19 pandemic, ay muli nang mag-ooperate rito ang ilang local airlines para sa domestic flight.

Inanunsiyo ng Cebu Pacific na sa Martes,  Marso 28 ay opisyal na muling mag-ooperate sa  Terminal-4 ng Ninoy Aquino International Airport ang mga domestic flights papunta at pabalik ng CebGo flights.

Ito ay matapos na payagan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang naturang terminal ay muling makapag-operate para sa domestic flight.

Dahil sa pagluwag ngayon ng travel restriction ay inaasahang dadagsa pa ang mga pasahero ngayong summer season.

Dahil dito, pinapayuhan naman ng Cebu Pacific ang mga pasahero ng CebGo na magtungo ng NAIA Terminal -4, tatlong oras bago ang kanilang flight.

Samantala, naglabas naman ng abiso ang Cebu Pacific sa mga apektadong biyahe ng CebGo nang isinara ang NAIA Terminal -4, kabilang na ang mga balikang biyahe nito mula Manila patungong Boracay, Camiguin, Cebu, Coron, Kalibo, Legazpi, Masbate, Naga, San Jose, Siargao, Surigao, Tablas, Tuguegarao at Virac.

Matatandaan habang pansamantalang sarado para sa flight operation ang Cebu Pacific ay ginagamit muna nito bilang vaccination site.

BASAHIN: NAIA Terminal 4, pansamantalang vaccination site habang di pa ginagamit – MIAA

Follow SMNI News on Twitter