NAIA Terminal 2, nakaranas ng power interruption

NAIA Terminal 2, nakaranas ng power interruption

MAHABA ang pila ng mga pasaherong paalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2 madaling araw ng Huwebes dahil sa umiral na naman ang power interruption sa paliparan.

Paliwanag naman ng Manila International Airport Authority (MIAA), bahagi ito sa isinasagawang scheduled electrical maintenance work na nagsimula alas dose ng hatinggabi hanggang ala una y media ng umaga.

Ginagawa nila ang ganitong oras ng aktibidad dahil ito ang oras na walang masyadong iskedyul ng lipad ang mga eroplano sa NAIA.

Gayunpaman ayon sa ahensiya gumagana naman ang generator set para tuluy-tuloy ang power supply sa vital facilities upang tiyakin na hindi rin maapektuhan ang mga pasahero habang isinasagawa ang electrical maintenance.

Ang mga naapektuhang lugar ng electrical maintenance activities ay ang buong Northwing Arrival, Departure, at Rotonda Building sa NAIA Terminal-2.

Tiniyak din ng MIAA na wala rin namang naapektuhang flights sa isinagawang aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble