Naipamahaging Medical at Burial Assistance ng Office of the Vice President sa 2024, umabot sa higit P822 milyon

Naipamahaging Medical at Burial Assistance ng Office of the Vice President sa 2024, umabot sa higit P822 milyon

UMABOT sa higit walong daan at dalawampu’t dalawang milyong piso ang halaga ng naipamahaging Medical at Burial Assistance ng Office of the Vice President sa taong 2024.

Batay sa datos ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte, nasa higit dalawandaang at siyamnapu’t pitong milyong piso ang naipamahaging pondo para sa Medical at Burial Assistance sa mga benepisyaryo sa Luzon.

Sa Visayas, umabot sa higit dalawang daan at walumpu’t limang milyong piso ang naipamahaging assistance ng OVP.

Higit dalawang daan at tatlumpu’t siyam na milyong piso na Burial at Medical Assistance naman ang naidisburse ng OVP sa Mindanao.

Sa kabuuan, nasa higit isangdaan at walumpu’t pitong libong Pilipino ang nakabenepisyo sa programang Medical at Burial Assistance ng OVP.

Sa pamamagitan ng OVP central office, sampung satellite offices, at extension office, naging mas madali at mas accessible ang mga serbisyo ng OVP sa mga nangangailangang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter