NAGSIMULA na muling tumanggap ng international arrivals ang Victoria kung saan naitala naman ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 mula sa hotel quarantine nito makalipas ang 2 buwan.
Naitala ng Victoria ang kauna-unahang overseas COVID-19 case nito sa hotel quarantine kasabay ng pagbabalik ng international arrivals sa estado.
Yesterday there was 1 new case reported. The case was acquired overseas and is in hotel quarantine.
– 4,810 vaccine doses were administered
– 13,099 test results were received
Got symptoms? Get tested.
More later: https://t.co/0xmnS4N9DN #COVID19Vic #COVID19VicData pic.twitter.com/OxeLp4J1jc— Victorian Department of Health (@VicGovDH) April 9, 2021
Tumanggap na muli ang Victoria ng international arrivals mula noong Huwebes kasunod ng 2 buwang suspensyon dahil sa mga outbreak na naiulat sa hotel quarantine program nito.
Kabilang sa outbreak na iyon ay ang nakahahawang UK variant at 5 araw na lockdown sa estado.
Wala namang lokal na transmisyon na naitala sa estado na daan naman para maitala nito ang ika-43 araw na walang lokal.
Ang outbreak na ito ay naitala noong buwan ng Pebrero na naging dahilan para kwestyunin ng ilan ang quarantine system ng Victoria.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa mas maraming test ang returning travelers kung saan umaabot na sa 2 hanggang 4 na COVID-19 test ang mga ito.
Samantala, karamihan naman ng quarantine staff sa Victoria ay nakatanggap na ng unang dosis ng COVID-19 vaccine.
(BASAHIN: Prime Minister ng Australia, nagback-out sa timetable ng pagbabakuna)