Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba

Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba

BUMABA ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 840 ang naitala nitong Linggo kumpara sa higit 870 na COVID-19 cases noong Sabado.

Ito na ang ikatlong araw na nakapagtala ang DOH ng mababang COVID-19 cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR), Cavite, Iloilo, Bulacan, Rizal, Isabela, Pampanga, at Laguna.

Higit 1,280 naman ang nakarekober kaya’t bumaba sa higit 11,200 na lamang ang aktibong kaso.

Wala namang naitalang nasawi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter