Naitalang firecracker-related cases, umabot na ng mahigit 800

Naitalang firecracker-related cases, umabot na ng mahigit 800

UMABOT na ng 832 ang firecracker-related cases sa bansa hanggang nitong Enero 5, 2025.

Mas tumaas ito kumpara sa 606 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 36 na panibagong kaso ang naiulat noong Disyembre 31, 2024 habang 10 ang sa Enero 1, 2025 at 15 ang naitala sa sumunod pang mga araw.

Sa 832 na bilang, 491 ang mga biktimang may edad 19 pababa.

Samantala, apat na ang kabuuang naitalang nasawi mula rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble