Naitalang krimen sa bansa, bumaba ng halos 50% —PNP

MALAKI ang ibinaba ng bilang ng krimen  sa bansa na naitala ngayong sa buwan ng Enero  ngayong taon kumpara sa kaparehong na buwan ng Enero taong 2020.

Sa presentasyon ng Philippine National Police, bumaba ng 49.20% ang bilang  ng mga index crime na naitala sa bansa ngayong Enero o panahon ng pandemiya kumpara sa kapareha na buwan noong nakaraang taon.

Ayon ito sa pahayag ni DIDM Director Police Major General Marni Marcos.

Kabilang sa mga naitala dito ang index crimes  kagaya ng murder, homicde, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping.

Ayon kay Police Major General Marni Marcos ng Directorate for investIgative and Detection Management, bumaba ang krimen dahil sa maigting  na paghihigpit at pinaigting na pagbabantay ng mga kapulisan  habang nasa gitna ng ipinatutupad na community quarantine sa buong bansa.

Sa  kabila nito, tumaas naman ang naitalang non-index crimes sa bansa sa kaparehong buwan ng Enero taong 2020 kumpara ngayong taong 2021.

Samantala, dahil sa sunud-sunod na iregularidad na kilos ng Bulkang Taal, inalerto na ng PNP ang mga tauhan nito para sa pag-deploy ng dagdag na police units  kung sakaling hindi bumuti ng sitwasyon ng Bulkang Taal sa Probinsiya ng  Batangas.

Ayon kay PNP spokesman Brigadier General Ildebrando Usanna, inihahanda na ng PRO 4A ang mga sarilli nito para sa posibleng immediate deployment.

Nauna nang ibinabala ng Philvocs ang posiblenng muling pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa pinakuhuling datos  ng ahensiya, nakapagtala ang bulkan ng 69 na pagyanig sa loob ng bente kwatro  oras kahapon.

May mga gas rin na lumabas sa  bunganga ng bulkan na nagdudulot ng pagtaas ng acid nito na posiblenng magdulot ng mas delikadong sitwasyon sa probinsiya.

“Iyong tubig na iyan at iyong steam o gas ay kumikilos kaya maraming paglindol. Ito rin po ang nagdudulot ng pagpapainit sa Taal main crater lake at sa pagiging mas acidic nito,” pahayag ni Solidum.

“Ito po iyong ating tinitingnan, tumataas po ang posibilidad na magkaroon ng phreatic eruption or explosion tulad po noong nangyari noong initial part ng Jan. 12, 2020 activity ng Taal Volcano. Ito pong ganitong pangamba ay makakaapekto lamang sa kasalukuyan doon sa volcano island mismo,” aniya pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *