Naitalang nalunod ngayong Semana Santa, mahigit 60—PNP

Naitalang nalunod ngayong Semana Santa, mahigit 60—PNP

NAITALA sa mahigit 60 katao ang nalunod sa magkahiwalay na mga lokasyon nitong Semana Santa.

Batay ito sa pinakahuling update ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas sais ng umaga ng April 9.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, madalas na nangyayari ang pagkalunod sa Region 1, Region 3 at Calabarzon.

Una na ring ipinaalala ng PNP na maging alerto sa kapwa lalong-lalo na sa mga kabataan kung mayroon ang mga itong swimming activity upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod.

Follow SMNI NEWS in Twitter