MAS kaunti lang ang naitalang nasawi at mga nasugatan dahil sa mga paputok ngayong taon kumpara noong 2024.
Mula alas sais ng umaga ng Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 1, 2025, nasa 340 lang ang firecracker-related injuries.
34% itong mas mababa kumpara sa 519 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Madalas naman na sanhi ng kanilang pagkasugat ay ang paggamit ng D.I.Y. na boga.
Samantala, nasa isa lang ang nasawi noong Disyembre 22 batay sa record ng Department of Health (DOH).