Naiturok na COVID-19 vaccines sa QC, pumalo na sa mahigit 6.68-M

Naiturok na COVID-19 vaccines sa QC, pumalo na sa mahigit 6.68-M

UMABOT na sa 6,683,464 doses ng bakuna ang naiturok sa Quezon City hanggang kaninang alas-8 ng umaga.

Ayon sa City Government, nasa 2,595,183 na ang bilang ng fully vaccinated individuals sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 2,195,625 milyon dito ay fully vaccinated adults habang 399,558 naman ang bilang ng fully vaccinated minors.

Umabot naman sa 1,489,446 ang nabigyan ng booster shot o ng first at second booster.

Samantala, pumalo na sa 286,516 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod kung saan 282,788 ang gumaling na, 1,413 ang aktibong kaso at 2,315 ang nasawi.

 

Follow SMNI News on Twitter