Nakaambang imbestigasyon ng Senado sa Non-Disclosure Agreement sa COVID-19 vaccines, welcome sa DOH

Nakaambang imbestigasyon ng Senado sa Non-Disclosure Agreement sa COVID-19 vaccines, welcome sa DOH

HINDI nababahala ang Department of Health (DOH) sakaling kailangang humarap ito sa  Senado para sa imbestigasyon ng Non-Disclosure Agreement na pinasukan ng ahensiya para makabili ng bakuna kontra COVID-19.

Nitong Lunes, Disyembre 5, nang ianunsiyo ng Senate Blue Ribbon Committee na iimbestigahan nito ang sinasabing Non-Disclosure Agreement ng DOH kasama ang mga pharmaceutical firms para sa procurement ng COVID-19 vaccines.

Gaganapin ang pagdinig sa nasabing isyu sa Disyembre 14.

Nakapaloob sa Non-Disclosure Agreement ang hindi pagsasapubliko ng gobyerno ng presyo ng bakuna na kanilang nabili.

Hindi naman nagpakita ng pagkabahala ang DOH kaugnay rito.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, handa silang sumalang sa anumang imbestigasyon.

Una nang sinabi ni Vergeire, nakahanda silang ibigay sa Commission on Audit (COA) ang mga kailangang dokumento sa mga bakuna at sumalang sa special audit.

Bahagi raw kasi sa kanilang loan agreement sa mga bangko ay ang pagkakaroon ng special audit.

Sinabi rin ng opisyal na sila mismo ang humiling sa COA na ito ang kanilang magiging auditing firm.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

DOH, handang isumite sa COA ang mga dokumentong kaugnay sa pagbili ng mga COVID-19 vaccines

PBBM sa DOH: Kampanya vs HIV at tuberculosis, bigyang-prayoridad

DOH, may paalala sa mga bata sa pagpunta kay ninong at ninang ngayong Pasko

Follow SMNI News on Twitter