Nakabibinging katahimikan ni Marcos Jr. sa nangyaring kawalan ng hustisya sa KOJC, kinuwestiyon ng mga misyonaryo

Nakabibinging katahimikan ni Marcos Jr. sa nangyaring kawalan ng hustisya sa KOJC, kinuwestiyon ng mga misyonaryo

JUNE 10, 2024 ang araw na nilapastangan ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force ng Philippine National Police (SAF-PNP) ang mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ang araw na kung saan tumatak sa kasaysayan ang malawakan at lantarang pang-aabuso ng awtoridad sa kanilang kapangyarihan.

Ang araw na harap-harapang nilabag ng mga dapat sana ay tagapagtaguyod ng batas ang karapatan ng mga KOJC missionary bilang mga Pilipino.

Malaking palaisipan para sa mga misyonaryo ng KOJC na mag-iisang buwan na ang nakalipas matapos ang overkill na pagsisilbi ng warrant of arrest sa apat na religious compound ay nananatili pa ring tahimik si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Napakalaking question sa akin talaga na bakit very silent ang ating pangulo? Kasi bilang pangulo kapag may mga nangyayari na karahasan, ang mga constituents, ang mga tao unang-una mag-e-expect iyan ng reaction, mag-e-expect talaga iyan ng utos or comments from our pinakamataas na leader. Ako rin naghihintay ako kung kung ano ang kaniyang reaction, ano ang kaniyang comment pero wala,” pahayag ni Cecille Dupra, KOJC Missionary.

“Hindi ko rin maintindihan kung bakit tahimik siya. Pasensya na sa paggamit ng salita, pero parang bobo talaga ang gobyerno. Ewan ko kung anong klaseng pamahalaan ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pamahalaan, sa edad kong 56 taon, ngayon lang ako nakakita ng pamahalaan na walang pakialam sa nangyayari sa Pilipinas. Walang pakialam sa kanyang kapwa tao,” ayon kay Ginalyn Andrade, KOJC Missionary.

“With his silence with what happened almost a month now, sa kaniyang silence is a big question. Why? Saan ka? President supposed to be the father of the Filipinos. Saan ka? When your children are crying and your children are asking for help and your children are asking for justice and your children is asking to be heard, saan ka?” wika ni Blusette de Guzman, KOJC Missionary.

Mag-iisang buwan na ay hindi pa rin nawawala sa mga KOJC missionary ang traumang idinulot ng marahas na pag-atake ng PNP CIDG at SAF sa mga lugar na kanilang itinuturing na mga tahanan at sagrado.

“Feeling mo kasi, ‘di mo – na deep inside na-oppress ka ba, na-injustice ka. Mayroon siyang psychological impact sa iyo,” dagdag ni Dupra.

“Ang aming mga matatanda, imbes na magpahinga, hindi na makapagpahinga dahil makarinig lang ng kung ano, mag-aalerto na ulit. Ano na naman ang mangyayari? Sasalakayin na naman kami dito,” wika ni Ginalyn Andrade, KOJC Missionary.

“Takot na takot na talaga sila. Mayroon na silang… Nababalisa na talaga sila. Nababalisa na. “Ano na naman ‘yun te? May chopper na naman?” dagdag ni Andrade.

Pagbibigay-diin ng mga misyonaryo na hindi katanggap-tanggap ang labis na paglapastangan ng mga tauhan ng PNP CIDG at SAF sa mga religious compound.

Binigyan diin ng legal counsel ng KOJC na malinaw na nilabag ng kapulisan ang karapatang pantao ng mga misyonaryo matapos marahas na pumasok sa ilang compound, pagsagawa ng illegal o unreasonable search na walang search warrant, at paglabag sa religious freedom ng mga ito.

Pero sa kabila ng lantarang kawalan ng hustisya ng nasabing araw, ang kanilang tanong bakit hanggang ngayon ay wala pa ring imik ang administrasyong Marcos?

“Aggravated ako. Naiinis ako kasi ‘yun nga tahimik ang administrasyong Marcos,” saad ni Jed Albarico, KOJC Missionary.

“Wala kaming balita. It’s just that nangyari ‘yung June 10 tapos wala lang sa kanila wala lang man siyang assurance na sinabi sa amin. Wala siyang pakialam,” aniya.

“Bakit? Bakit tahimik lang talaga siya? Mapapaiyak ka ba. Ang sakit sa kalooban. Bakit wala siyang tulong sa atin? Alam na niya sa social media, sa mga news bulletins, bakit wala talaga siyang nagawa?” dagdag ni Andrade.

 “Pero ngayon na ganito ang nangyari sa the Kingdom of Jesus Christ, nasaan ka, Mr. President?” ayon pa kay Andrade.

“So malaking question talaga sa akin ‘yun. Kaya papasok din sa isip ko na may kinalaman siya sa nangyari sa KOJC,” dagdag ni Dupra.

Una na ring sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na ang pananahimik ni Marcos Jr. sa nangyari sa KOJC ay isang paraan para sabihing aprubado niya ang ginawa ng kapulisan.

“’Yung pagka tahimik ni Presidente sa nangyari sa KOJC ay isang pamamaraan po iyan para aprubin ang ginawa ng kapulisan. Malinaw po sa atin na hindi tinutulan ng presidente ang pangyayari dahil siya ay nagsang-ayon sa pamamaraan na ginawa ng kapulisan, sa paghahanap ng pagkatao ni Pastor Quiboloy. Malinaw po iyan,” ayon kay Atty. Harry Roque, Dating Presidential Spokesperson.

Kapulisan, hinamon ng KOJC missionaries na tuparin ang mandatong ‘to serve and to protect’

Hamon ng mga KOJC missionary sa mga kapulisan na gawin ang kanilang mandato at tuparin ang kanilang sinumpaang pangako – “to serve and to protect.”

“Unahin niyo ‘yung mandato ninyo sa konstitusyon na kayo you are here to serve and protect the people. You are not here to follow orders na makasira ng peace, ng pag-iisip lalo na kung ang tendency niyo po ay mag-destroy ng lugar and to take it away. Dapat kayo ang pinakaunang magprotekta sa amin lalo na sa mga threat na it,” wika ni Jed Albarico, KOJC Missionary.

“Sa buong kapulisan, sana naman ay mayroon silang karunungan na malaman kung ano ang tama at mali dahil kilala naman nila si Pastor, kung sino si Pastor. Kahit saan pumunta si Pastor, kapayapaan ang dala niya… tumutulong si Pastor sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa isang lugar. Bakit ganito ngayon ang nangyari?” dagdag ni Andrade.

“I hope you will stand your ground. When you say you are just doing your job, then know really what your job is. I don’t think obeying the command is your job if that command would cause injustice and is not right. Because your real job is to do fair justice and to protect the oppressed,” dagdag ni De Guzman.

Sa bawat patak ng luha, sa bawat buntong-hininga, sa bawat araw na lumilipas at sa bawat gabi ng pangamba, iisa ang dalangin ng mga KOJC missionary.

Ang makamit ang HUSTISYA.

Sa gitna ng pang-aabuso ng mga awtoridad, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga KOJC missionary na makamit ang hustisya at katarungan para kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa KOJC.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble