Nakarekober mula sa COVID-19 sa kapulisan, halos 12-K na

NAITALA ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 11,913 bilang mula sa kapulisan ang nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Officer In Charge, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 91 ang bagong nakarekober mula sa COVID-19 kahapon, Marso 23.

Nasa kabuuang 13,453 ang nagpositibo sa virus kung saan 1,504 ang patuloy na ginagamot.

Naitala rin ang 36 kabuuang bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa virus.

Sa bilang ng aktibog kaso, 363 ang naitala sa PNP Headquarter sa Camp Crame, 571 mula sa PNP offices sa Metro Manila habang 570 bilang mula sa regional police offices.

Muling pinaalaala ni Eleazar ang kautusan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, na kasalukuyang nagpapagaling din mula sa COVID-19, sa mga kawaning pulis na sundin ang minimum health safety protocols partikular na sa mga buntis na pulis “who are working from home because they are more vulnerable to COVID-19 infections and other highly respiratory infections.”

(BASAHIN: PNP Chief Sinas, nagpositibo sa COVID-19)

“They must take extra precautions, and should they feel COVID-19 symptoms or think they have been exposed to an infected person, they should immediately call their doctor and follow his or her advice,” dagdag ni Eleazar.

Kaugnay nito, ginawang quarantine facility ng PNP ang buong Kaingan Building.

Samantala, umabot na sa 2,544 police medical front-liners ang nabakunahan simula noong Lunes mula sa 2,721 na police medical front-liners na nagparehistro.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.