Mga nakarekober sa COVID-19 sa Davao del Norte, dumami

PATULOY na dumadami ang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa probinsya ng Davao del Norte, samantala umaabot na sa 42.74 % na mga frontliners ang nabakunahan sa probinsya.

Walang mas hihigit pa sa isang magandang balita kung ang inyong lugar ay mas marami ang nakarekober kesa sa mga namatay mula sa sakit na dulot ng COVID-19. Gaya na lamang ng Davao del Norte kung saan dumarami na ang bilang ng mga nakarekober mula sa nasabing sakit. Samantala, umaabot na sa 8,802 o 42.74 % ang nabakunahan kontra COVID-19 sa probinsya.

Ayon sa naging ulat ng Davao del Norte COVID-19 provincial case bulletin kahapon, ika-28 ng Marso, naitala ang 9 na mga bagong nakarekober mula sa sakit kung saan umaabot na sa kabuuang 2,898 ang mga nakarekober sa probinsya.

Mula sa 9 na mga nakarekober, 7 nito ay galing sa Sto. Tomas at 2 mula sa Asuncion.

Matatandaan noong huling datos na nakuha ng probinsya noong ika-26 ng Marso, nasa 2,889 ang kabuuang mga nakarekober mula sa nasabing sakit.

Wala ring naitalang namatay kumpara noong mga nakaraang datos.

Nasa 34 naman ang naitalang Person Under Investigation o (PUI), 745 sa Person Under Monitoring o (PUM), 6 na posibleng kaso, at 1,662 na mga nakalabas na sa mga pribado at pampublikong hospital.

Samantala, umaabot naman sa 8,802 o 42.74 % na frontliners na ang nabakunahan, as of March 26 sa probinsya ng Davao del Norte.

Mula sa 8,802 na mga nabakunahan, 4,459 nito ay tinurukan ng Sinovac habang 4,343 naman ang tinurukan ng AstraZeneca.

Patuloy naman na pinapapaaalahanan ng mga opisyales ng Davao del Norte ang mga mamamayan na sumunod sa health protocols upang makaiwas sa COVID-19 at magpatuloy ang pagdami ng mga nakarekober.

(BASAHIN: Tropical depression Vicky, bahagyang bumagal habang papalapit sa Davao Oriental-Surigao del Sur area)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *