KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakatutok na sila sa ikinakasang pagsuko ni Wesley Guo.
Si Wesley ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Guo Hua Ping alyas Alice Guo.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na sa ngayon ay may mga tauhan na silang nakatutok dito matapos sabihin ng abogado ni Wesley na ikinokonsidera na nito ang pagsuko.
Lumilitaw sa mga imbestigasyon na si Wesley ay kabilang o isa sa mga incorporators ng illegal operation ng POGO sa Bamban Tarlac.
Ayon pa sa NBI, sa ngayon anya ay pinaniniwalang nagtatago o nananatili pa sa Hong Kong si Wesley na sinasabi ring boyfriend ng isa pa sa akusadong si Cassandra Li Ong.